Saturday, December 7, 2013

ANG AGA-AGA, ANG KATI-KATI

ang pagmamahal…bow



Wala sa hitsura, wala sa yaman
Wala sa tikas, wala sa katawan
Wala sa talino o kabaitan
Wala... Wala ka dapat dahilan

Minahal kita nang di ko alam
Minahal kita dahil di ko alam
Minahal kita kahit bawal
Minahal kita...at masarap magmahal

Masaya ako pag nandyan ka sa tabi ko
Masaya ako pag nababasa ang text mo
Masaya ako pag nakikita ang ngiti mo
Masaya ako sa lahat ng ginagawa mo

Naaawa ako sa ibang hindi nakikita
Ang pagmamalasakit at kabaitan mo
Nagagalit ako sa ibang mapagsamantala
Dahil nakita ang bait at malasakit mo

Isa kang taong di ko inakala
At masaya akong ganoon ka pala
Akala ko napakaseryoso mo
Yun pala napakapilyo mo!

Nagpapasalamat ako nang lubos sa iyo
Sa pagtitiwala ng ilang sikreto mo
Sa pagbubukas ng sarili mo
Sa isang taong katulad ko

 Marami man tayong di pagkakaintindihan
Palagi tayong nakakahanap ng paraan
Para magkasundo at huwag hayaan
Na tumagal ang problema at pabayaan

Hindi ko inisip na magkakalapit tayo
Lalong di ko inisip na aabot tayo sa ganito
Bawat sandali ikaw ang nasa isip ko
Ikaw ang kumukumpleto sa sarili ko

Kung puwedeng tayo na lang habambuhay
Ayoko na sa iyo ako’y mawalay
Ikaw lang ang sa aki’y nagpapasaya
Di ko maisip ang sarili kong may iba

Gusto kong mahulog nang mahulog sa iyo
At saka na lang ako babangon pag oras na
Gumising sa masayang panaginip kasama ka
Kahit ayokong makitang wala ka sa tabi ko

Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya
O kung gaano ka sa akin kahalaga
Ibibigay ko lahat basta makasama ka
Kasi wala ako kapag wala ka

Maghihiwalay man tayo balang araw
Gusto ko muna lubusin lahat ng araw
Para maging masaya kasama ka
Kasi mahal na mahal kita

*Araw-araw kahit isang minuto di ka nawala sa isip ko. Kahit kailan hindi ko maiintindihan kung bakit tayo nahulog sa isa't isa. Pero kahit kailan din hindi ako magsisisi na minahal kita. Paulit-ulit kong sinasabi sa iyo na ikaw ang dahilan kung ba't ako sumasaya. Alam ko hindi tayo puwede pero habang puwede pa tayo maging masaya, lubus-lubusin na lang natin ang oras. Lalo na ikaw, sa dinami-rami ng paghihirap mo, panahon na para sumaya ka. Malas mo lang nahulog ka sa babaeng bawal sa iyo. Badtrip kasi si tadhana. Masyadong mapaglaro. Sa ngayon gusto ko na lang muna pumikit, mahulog at magmahal.



9 comments:

  1. Nakakainggit ang thoughts mo pagkagising, very poetic. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagsusulat po kasi talaga ako ng tula palagi. lalo na dati nung nakikita ko pa yung buwan mula sa glass na bintana namin dito sa boarding house. tinakpan na kasi ngayon kaya dumalang na yung pagsusulat ko. masuwerte po ako kaninang umaga at nagising ako sa isang linya na nagpatula na naman sa akin. lunatic po kasi ako. :-D

      Delete
  2. SIno yan Kirsten ha? HAHAHA share share!! :P

    ReplyDelete
  3. Curious naman ako, sino nga pala yang big, big inspiration mo?? XD

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Bawal na pagibig. <3

    ReplyDelete
  6. Ang hirap pero sa huli desisyon mo NIYO pa rin yan. :D <3

    ReplyDelete
  7. Awwwwww I love it, Kirsten. Ang sayang lapatan ng musika ang iyong likha. :)

    ReplyDelete